Eat Bulaga host Joey de Leon on Friday apologized for his comment on depression.
During the "Juan for All, All for Juan" segment on Friday, De Leon said he was wrong in minimizing the effect of depression.
"Nagkamali po ako," the TV host admitted.
"Dala ng gulo at tuksuhan natin, naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ko sa salitang 'yan," he said.
"Hanggang nabanggit ko nga 'yung 'Wala, gawa-gawa lang 'yan ng ibang tao.' 'Yun kasi ang paniniwala ko na ang stress tsaka depression, halos magkapantay lamang. Huwag niyong asahan na alam ko ang lahat ng bagay sa mundo," De Leon said.
"Habang nabubuhay po tayo eh natututo tayo ng mga bagong mga bagay-bagay. Nagkamali po ako," he said.
De Leon made the comment on Thursday on Eat Bulaga's "Juan for All, All for Juan" segment after a contestant said she has depression.
The TV host on Friday said his wife and children talked to him and told him that stress and depression are different.
"So, tungkol po sa depression na nabanggit ni Maine, eh pinagalitan ako ng misis ko, si Eileen. Pag-uwi ko pa po, pinaliwanag niya at pati 'yung mga anak namin, sinabi, 'Daddy, hindi stress 'yan at depression.' 'Hindi, 'yun ang alam ko eh. 'Yung iba 'pag nawalan lang ng boyfriend, nade-depress.'"
De Leon admitted feeling guilt when he learned that some of their loved ones are also suffering from the condition.
"So nagga-ganu'n pa ako, pinaliwanag niya. Lalo akong nahiya sa sarili ko nang banggitin ni Eileen na may malalapit kaming mahal sa buhay na nagdurusa sa ganu'ng kalagayan."
"So ako'y nanghihingi ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko at humihingi ng inyong unawa."
On Thursday, a contestant on the show said, "Ang sabi lang po ng doktor, depression, tapos 'yung katandaan kasi makakalimutin na po."
De Leon then commented, "Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao iyan. Gawa nila sa sarili nila."
But Maine Mendoza said those suffering from depression need moral support.
"Pero hindi biro 'yan ha, 'yang depression. Hindi siya joke. Hindi, kasi siyempre maraming nakakaranas ng ganu'n lalo na sa mga kabataan. Kaya dapat kapag may nakakaranas ng ganun, bigyan natin ng suporta," she said.
"Hindi, hindi, huwag niyong suportahan, gawa-gawa lang niya 'yun," De Leon rebutted.
"Nagpapa-sosyal lang," the TV host added.
Apology to Maine Mendoza
The TV host also apologized to Mendoza for his remarks.
"Kagabi, tinawagan ko si Maine. Nag-sorry ako kay Maine agad dahil siya 'yung nagbanggit nu'n sa usapan naming tatlo sa depression. Medyo nakaluwag 'yung paghinga ko. Hirap na ako matulog hanggang hindi umaabot itong pagkakataon na ito."
De Leon said he learned of the broad discussion regarding depression after his wife explained to him the topic.
"Kung may maidudulot mang mabuti 'yung aking pagkakamali, sana mabuksan ang maraming pinto sa pagtalakay sa issue na ito. Hindi ko alam na ganu'n kalawak at kalalim pala iyon. Akala ko, stress lang."
De Leon reiterated his apology.
"So uli, humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nasaktan, nagalit. I'm sorry at may kasabihan naman tayo na, 'Mapait man ang ugat ng karunungan o edukasyon, karaniwan namang matamis ang binubunga nito,'" he said.
"'Yun lang po at maraming salamat po," De Leon said. (With Jamil Santos/KG, GMA News)
No comments:
Post a Comment