Tuesday, October 24, 2017

ENRIQUE PINANINDIGAN ANG PAGIGING 'MAG-ASAWA' NILA NI LIZA

PILIT na dyina-justify ni Enrique Gil ang sinabi niyang para na silang mag-asawa ni Liza Soberano kasi nga lagpas na raw sila sa dyowa level. Natural na nagkaroon ito ng ibang connotation sa mga fans nila.

Kasi nga, pag sinabi mong mag-asawa na ang dalawang tao, may mga ibang kaganapan na. And with that, marami ang nag-worry for Liza dahil she’s so young pa to get into such stage. Sabi raw ni Enrique, nasa tao na lang daw iyon kung bibigyan nila ng malisya ang sinabi niya dahil iba raw ang pakahulugan niya sa kanyang statement.

At hindi niya talaga binawi ang sinabi niyang para na silang mag-asawa ni Liza. Eh di bahala siya, di ba? Patuloy pa ring lalagyan ng malisya ng mga tao ang sinabi niya, he can’t blame the people kung ganoon ang kanilang magiging interpretasyon.

Alam kaya ng mga batang ito ang kanilang pinagsasabi? Ano ang ginagawa ng managers ni Liza (Star Magic and kafatid na Ogie Diaz)? Hindi ba nila sinaway si Enrique sa kanyang tinuran because this will surely affect Liza’s image. She’s perceived to be very young ang inexperienced and with the term “parang mag-asawa na” leaves a bad impression sa public.

Ang mag-asawa kasi sa simpleng lengguwahe natin ay dalawang taong nagmamahalan na nagsisiping na (forgive the language pero ganoon talaga ang meaning noon), may mga bagay-bagay na ginagawa as lovers. And we believe na parang di naman sila umaabot sa ganoon.

Why didn’t Enrique say na lang that they are mag-boyfriend lang and medyo higher level lang ang understanding nila? Is he aware of the repercussion nito? It’s not even a part of a promo ng isang Bahala sila kung ayaw nilang i-correct ito. This is subject for debate.

Pumapayag naman si Liza and her family with that statement of Enrique? Paki-paliwanagan nga ninyo kami kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang “mag-asawa” kasi baka na-miss out namin ang meaning nito. Tama naman ang spelling at kahit saan namin tingnan at kahit kanino namin itanong, ang mag-asawa ay mag-asawa at merong mga “kababalaghang” ginagawa.

Puwede ba Enrique, huwag mo namang ilagay sa alanganin ang kabusilakan at kadalisayan ng idolo ng bayang si Liza Soberano. Speak up, Liza, Ogie and Star Magic. Alam n’yo rin naman ang ibig sabihin ng salitang mag-asawa, di ba?

No comments:

Post a Comment